DOH, nagtala ng 1,465 na mga bagong kaso at 213 deaths mula April 18-24

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,465 na mga bagong kaso ng COVID-19 at 213 fatalities sa loob ng April 18 hanggang 24.

Batay sa kanilang weekly case bulletin, ang daily average ay nasa 209 na mga bagong infections, na 12% na mas mababa kumpara sa naunang linggo nito.

Sa gitna nito, wala nang naitalang bagong critical cases, pero ang nasa 726 critical infections ay kasalukuyang nananatili sa mga ospital.

Sa harap nito, ang utilization rate para sa non-intensive care unit (ICU) beds ay nasa 16.9% o 4,112 mula sa 24,309 beds, habang ang ICU utilization rate ay nasa 16.9% o 479 mula sa 2,841 beds.

Samantala, sa datos ng DOH, mula April 22, ang Pilipinas ay nakapagbakuna na ng 74.98% ng target population at 76.35% ng target elderly population (A2). //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *