COMELEC, pinababakante na ang posisyon ni Albay Governor Noel Rosal

LUMABAS na ngayong umaga ang kopya ng writ of execution mula sa Comission on Election o Comelec para ipag-utos ang pagbaba ni Albay Governor Noel Rosal sa pwesto.

Sa nasabing order, na na may petsang November 28, na pirmado ni George Erwin Garcia chairman ng Comelec, sinasabing granted ang desisyon ng Comelec En Banc na idiskwalipika si Rosal dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code noong nakaraang halalan.

Binigyan na rin ng kapangyariyan ang Department of Interior and Local and Local Government o DILG na agad na iimplementa ang Comelec En Banc Resolusyon na kung saan isilbi ito sa governador habang tinatanggal ang kapangyihan nito sa pamamalakad sa lalawigan ng Albay.

Nakapaloob rin dito na ibakante ang posisyon at papalitan ng Bise Gobernador na si Atty Grex Lagman.

Gagawin din umano ang pormal at payapang turn over sa pagitan ng dalawang mataas na opisyal habang papalit din sa office of the vice governor ang high ranking member ng Sangguniang panlalawigan ng Albay.

Sa ngayon, inaasahang magaganap ngayong araw ang ilang aktibidad sa provincial capitol habang sa kampo naman ni Albay Governor Rosal, hinihintay na rin nila ang paglabas ng Temporary Restraining Order mula sa Korte Suprema.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *