13th month pay sa mga contractual at JO na kawani ng Gobyerno, isinusulong sa Senado

Ipinanukala ngayon sa Senado ang isang bill na naglalayong bigyan ng 13th month pay ang tinatayang 600,000 contractual and job order personnel (JO) sa gobyerno.

Sa ilalim ng inihaing Senate Bill No. 1528 ni Senador Mark Villar – nakasaad na lahat ng kawani ng gobyerno, ano mang posisyon at employment status, ay makatatanggap ng 13th month pay kada taon.

Ayon kay Villar, ang minimum amount ng 13th month pay para sa mga contractual at JO personnel ay hindi dapat mas maliit sa kalahating monthly salary ng mga ito.

Dagdag ng senador, ginawang mabuti ng mga nasabing kawani ang kanilang tarabaho gaya ng ibang permanent government employees.

Aniya, karamihan sa kawani ng gobyerno ay mula sa low-income families na nahihirapan maabot ang basic needs sa araw-araw.

Dahil dito, layunin din ng bill na pasayahin at bigyan ng nararapat na reward ang mga nasabing empleyado para sa darating na pasko.//SMM
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *