Pilipinas, nagtala ng 3,572 na bagong kaso ng COVID 19 mula March 14-20

Naitala ng Pilipinas ang 3,572 na bagong COVID-19 cases mula March 14 hanggang March 20, na 13% na mas mababa kung ikukumpara sa naiulat noong nakaraang linggo.

Ayon sa Department of Health, nasa 510 ang daily case average para sa nasabing linggo.

Makikita sa datos na nasa 805 ang maituturing na severe at critical cases na kasalukuyang naka-admit.

Mula naman sa 3,473 na ICU beds, 17.8% ang okupado habang nasa 16.6% naman ng non-ICU COVID-19 beds ang ginagamit.

Samantala, nasa mahigit 65.1 million na indibidwal na o 72.41% ng target population ng gobyerno ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 kabilang na ang 11.5 million na tumanggap ng kanilang booster shots.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *