Committee on Health pinayuhan ang mga magulang na huwag tangkilikin ang tradisyunal na pagtutuli

Pinayuhan ni City Councilor at Committee on Health Chairman Mark Jason Jamisola ang mga magulang na huwag mag-engage sa mga tradisyunal na pagtutuli.

Ayon sa opisyal dapat umanong mabatid ng mga ito ang kahalagahan ng ligtas na paraan ng pagtutuli sa mga kabataan kung kaya hinikayat nito ang mga magulang na sa doktor dalhin ang kanilang mga anak.

Aniya, bukod kasi sa mahigpit nang ipinagbabawal ang tradisyunal na pagtutuli ay mapanganib din ito lalo pa kung magkakaroon ng inpeksyon.

Dagdag pa ng opisyal kung ang iniiwasan naman umano ng mga magulang ay ang gastos ay mayroon namang mga aktibidad ng libreng pagtutuli kung saan kailangan lamang umanong  maghintay ng mga ito ng skedyul.

Mababatid na ang mga kabataang lalaki ay kadalasang nagpapatuli sa panahon ng kanilang bakasyon mula sa eskwela.

Ang Tulì ay isang ritwal ng Pilipino ng male circumcision. Ito ay may mahabang makasaysayang tradisyon at itinuturing na isang obligadong seremonya ng ‘passage’ para sa mga lalaki.

Ang mga batang lalaki na hindi sumailalim sa ritwal ay binabansagan na ‘’supót’’ at nahaharap sa pangungutya ng kanilang mga kaibigan at kalaro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *