Construction worker na lolo sugatan, matapos saksakin ng kanyang kamag-anak sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Nagpapagaling na sa ospital ang isang construction worker na lolo matapos masaksak ito ng kanyang kamag anak sa Sitio Palanas Barangay Estanza, lungsod ng Legazpi.

Kinilala ang biktima na si Joselito Macasinag Ate, 61 anyos habang kinilala ang suspek na si Arnel Ate, parehong residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, umaga ng makatanggap ng tawag sa telepono si Angel Ate mula sa kanyang kapatid na si Gerald Ate na ipinaalam na ang kanilang ama ay pinagsasaksak ng suspek.

Agad na dinala ang biktima sa BRTTH Legazpi para sa medical na attensyon, habang ang suspek ay tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.

Nagtamo ng saksak sa itaas na kaliwang dibdib ang biktima. Sa ngayon ay patuloy pang inaaalam ng Legazpi CPS ang follow-up na imbestigasyon sa BRTTH at sa lugar ng insidente upang mahanap ang mga posibleng saksi sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *