Mga paaralan sa Bicol na nagsasagawa ng limited face to face learning, papayagang magsagawa ng kanilang graduation rites –DEPED BICOL

LEGAZPI CITY – Naglabas na ang Department of Education (DEPED) Central office ng Memorandum No. 43, s. 2022 o ang Pagsasagawa ng K to 12 Basic Education Program End-of-School Year (EOSY) Rites para sa School Year 2021-2022.

Ayon kay Mayflor Jumamil, ang Regional Spokesperson ng DEPED Bicol, tanging papayagan lamang na makapagsagawa ng onsites limited Graduation Rites ay mga paaralan na nagsasagawa ng kanilang limited face to face classes.

Lilimitahan pa rin ang pagsasagawa ng graduation ceremony sa mga paaralan na nagsasagwa ng F2F dahil sa ito ang nakapaloob sa inilabas na memorandum circular ng tanggapan na naayon sa guidelines sa public health o IATF protocols.

Tanging isang magulang o gardian at graduates lamang ang pinayagan habang ibang paaralan na hindi nagsagawa ng F2F ay virtual graduation lamang ang maaaring isagawa ng mga ito.

Nilinaw ng opisyal, ang huling araw ng pasukan sa klase sa mga paaralan ay sa buwan ng Hunyo 24 habang Hunyo 27 hanggang Hulyo 2 taong 2022 ay ito na rin isasagawa ang moving up exercises at graduation rites.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *