Construction worker na may kinakaharap na kaso sa Albay, arestado sa Sorsogon

Hinainan na ng kanyang warrant of arrest ang isang contruction worker na may kinakaharap na kasong statutory rape sa bayan ng Irosin, Sorsogon.

Kinilala ang akusado na si Ronald Apuyan Jetajobe, 35-anyos, may asawa at naninirahan sa Brgy Monbon ng nasabing bayan.

Magkatuwang ang Irosin MPS at Albay 2PMFC na umaresto sa akusado, umaga noong Miyerkules sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 1 Family Court, Legazpi City sa nasabing kaso na walang itinakdang piyansa.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11648, itinuturing na statutory rape ang pakikipagtalik sa mga kabataang mas bata sa 16 na taong gulang.

Sa ilalim ng batas na ito, maaaring maituring na biktima ng rape ang isang tao anuman ang kanyang kasarian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *