Coronation night ng Miss World Philippines, naurong sa August 8

Nagdesisyon ang Miss World Philippines na iurong ang coronation night ng Miss World Philippines sa August 8 mula sa oroihinal na schedule nito na July 25.

Ito ay matapos ipatupad ang General Community Quarantine with heightened restrictions sa Metro Manila at apat na iba pang probinsya dahil sa banta ng mas nakakahawang Delta variant mula July 23 hanggang 31.

Sa pahayag ng organizers ay sinabi nito na kinailangan nilang ipagpaliban ang Miss world Philippines 2021 alinsunod sa bagong IATF guidelines na inanunsyo nitong Biyernes.

Kaugnay nito ay gagawin pa rin ng pageant ang koronasyon nito sa Okada Manila.

Kung maalala ay na-reschedule na rin dati ang coronation night matapos sumabay sa Binibining Pilipinas ang orihinal nitong schedule na July 11.

Mababatid na pag-aagawan ng 45 beauty queens ang walong korona kabilang na rito ang Miss World Philippines, Miss Supranational Philippines, Miss Eco Philippines, Miss Eco Teen Philippines, Reina Hispanoamericana Filipinas, Miss Multinational Philippines, Miss Philippines Tourism, at Miss Environment International Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *