COTABATO CITY – APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa kahapon June 17, 2021 ang BTA Cabinet Bill No. 36 o mas kilala bilang Overseas Bangsamoro Workers Act of 2020.

Sinabi ngayong umaga sa Brigada News FM Cotabato ni Ministry of Labor and Employment o MOLE-BARMM Minister Romeo Sema, sa pamamagitan ng 57 na bumoto at walang tumutol ay nagkaisang ipasa ng mga myembro ng BTA ang nasabing panukala.Ang panukalang ito ay inihain ni Minister Sema bilang myembro din ng Parliament matapos na makatanggap ng kaliwat-kanang problema ang opisyal mula sa mga OFW na nakakaranas ng pagmamaltrato sa kanilang mga employer.Dahil dito hindi sya nagdalawang isip na ihain sa parlyamento ang nasabing batas para bigyang proteksyon ang mga manggagawang Bangsamoro na nasa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *