COVID- 19 cases sa bayan ng Basud sumampa na sa 200, bilang ng mga nasawi umakyat na sa 16

CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 200 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ito ay matapos na makapagtala ng limang bagong kaso ng sakit batay sa ipinalabas na pahayag ng Lokal na Pamahalaan kahapon.

Kabilang sa mga nagpositibo sa sakit ay isang 58 anyos na Public School Teacher na hindi mabatid kung paano nahawa at welder na mayroong travel history sa Sto. Tomas Batangas.

Kapwa sila residente ng Barangay Matnog.

Nagpositibo rin sa sakit ang isang Security Guard mula sa Barangay Pagsangahan na close contact ng naunang kaso at tig isa sa Barangay Poblacion 2 at Taisan na hindi rin mabatid kung paano nahawa ng sakit.

Nasa 29 ngayon ang aktibong kaso ng sakit sa naturang bayan habang 155 naman ang gumaling.

Umakyat na rin sa 16 ang bilang ng mga nasawi na lahat ay naitala ngayong 2021 lang maliban sa isa.

Pinakamarami ang naitalang kaso ng sakit sa Barangay Poblacion 2 na mayroong 38 at ito rin ang mga pinakamaraming aktibong kaso na mayroong 5.

Lomobo ng husto ang mga naitalang kaso noon lang Setyembre na mayroong 72.

Sa 29 na barangay ng naturang bayan tatlo na lamang dito ang COVID- 19 free na kinabibilangan ng Binatagan, Oliva at San Jose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *