Mga kakandidato sa May 2022 elections maaaring magparehistro sa BIR bilang political candidate sa loob ng isang buwan mula ng mag file ng COC

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na maaaring magparehistro ang mga kakandidato sa May 2022 elections bilang political candidate sa loob ng isang buwan mula sa paghahain ng Certificate of Candidacy.

Sa impormasyong nakalap ng Brigada News FM Daet mula sa Revenue District Office No 64  wala pang ni isang kandidato ang nagpaparehistro sa ahensiya sa unang tatlong araw ng paghahain ng COC.

Dati nang inihayag ng ahensiya na kinakailangang magparehistro ang isang kandidato bilang political candidate at magbayad ng P500 na Annual Registration fee.

Ang mga magpaparehistro bilang political candidate ay maaring personal na magtungo sa BIR o pwede rin namang ipadala na lang online ang form na naka- attach ang valid ID at COC.

Mayroon kasing mandato ang ahensiya na busisiin ang campaign expenses at records of contributions ng lahat ng mga tatakbong kandidato sa nalalapit na halalan sa Mayo ng susunod na taon.

Layon nito na masigurong maidedeklara ng tama ng mga kandidato ang ginastos ng mga ito sa kampanya sa kanilang statements of contributions and expenditures (SOCE).

Sa bisa ng isang revenue regulations na inilabas noon pang 2009 papatawan ng 5% witholding tax ang lahat ng campaign contributions, tools at services.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *