COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa mahigit 24k

BICOL—Pumalo na sa 24,144 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na magtala ng 246 na panibagong kaso ngayong araw.

Ang lalawigan ng Masbate ang nagtala ng pinakamataas na panibagong kaso na umabot sa 92 kung saan 34 nito ay mula sa Masbate City, 14 sa bayan ng Milagros, 13 sa bayan ng Mobo, walo sa bayan ng Aroroy, anim sa bayan ng Baleno, lima sa bayan ng Balud, tatlo sa bayan ng San Jacinto, tigdalawa ang bayan ng Batuan at San Fernando at tig-iisa ang mga bayan Cataingan, Cawayan, Claveria, Dimasalang at Palanas.

Sumunod sa may mataas na kaso ang Camarines Sur na pumalo sa 52 kung saan sampo nito ay mula sa bayan ng Milaor, pito sa bayan ng Lupi, anim sa bayan ng Canaman, tig aapat ang bayan ng Calabanga at Goa at gayundin ang lungsod ng Naga, tigtatlo ang lungsod ng Iriga at bayan ng Pasacao at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, Buhi, Libmanan, Magarao, Pili, Ragay at Tigaon.

34 na bagong kaso ang naitala sa Sorsogon kung saan 24 nito ay mula sa Sorsgon City, lima sa bayan ng Castilla, apat sa bayan ng Gubat at isa sa bayan ng Juban.

Ang Albay ay nagtala ng 33 panibagong kaso kung saan anim nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, lima sa lungsod ng Ligao, tig-apat ang bayan ng Guinobatan at Malinao, tigtatlo ang bayan ng Sto. Domingo at Tiwi, tigdadalawa ang mga bayan ng Bacacay, Daraga at Pio duran at tig-isa ang bayan ng Libon at Polangui.

26 ang bagong kaso sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan sampo nito ay mula sa bayan ng Daet, anim sa bayan ng Sta. Elena, lima sa bayan ng Capalonga, tigdalawa ang bayan ng Basud at Mercedes at isa sa bayan ng Talisay.

Walong bagong kaso naman ang naitala sa islang lalawigan ng Catanduanes kung saan lima nito ay mula sa bayan ng Virac, dalawa sa bayan ng Gigmoto at isa sa bayan ng Bagamanoc habang isang kaso naman mula sa labas ng Bicol ang naitalang nagpositibo.

Samantala, pumalo na sa kabuuang 19, 648 ang bilang ng mga gumaling matapos madagdagan ng 101 na mga bagong nakarekober ngayong araw. 24 nito ay mula sa lalawigan ng Camarines Norte, 32 sa Camarines Sur, 29 sa Naga City, 12 sa Sorsogon at apat sa Catanduanes.

Pumalo na rin sa 926 ang death toll matapos na magtala ng dalawang panibagong pagkasawi na mula sa mga lalawigan ng Albay at Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *