COVID-19 cases sa Bicol, pumalo na sa mahigit 9K

BNFM BICOL—Nagtala ng 146 na bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region ngayong araw daan para pumalo na sa 9,136 ang kabuuang kaso ng sakit sa rehiyon.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na may 84 kung saan 20 nito ay naitala sa Naga City, 14 sa bayan ng Nabua, 11 sa bayan ng Canaman, pito sa bayan ng Goa, anim sa bayan ng Libmanan, lima sa bayan ng Cabusao, apat sa bayan ng Camaligan, tatlo sa bayan ng Magarao at Pili, dalawa sa bayan ng Ocampo at Pasacao at tig-iisa ang mga bayan ng Balatan, Bombon, Bula, Calabanga, Minalabac, Sipocot at Tinambac.

Sumunod sa may pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Sorsogon na nagtala ng 26 kung saan anim nito ay mula sa lungsod ng Sorsogon, lima sa bayan ng Irosin, tatlo sa bayan ng Gubat at Matnog, tigdadalawa ang mga bayan ng Barcelona, Donsol at Juban at tig-iisa ang mga bayan ng Bulusan, Castilla at Prieto Diaz.

Pangatlo sa may pinakamataas na bagong kasong nadagdag ang lalawigan ng Camarines Norte na mayroong 20 kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Daet, lima sa bayan ng Talisay, tatlo sa bayan ng Paracale, dalawa sa bayan ng Labo, dalawa rin sa bayan ng San Vicente at isa sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.

Ang Albay ay nagtala ng panibagong 14 na kaso kung saan apat ang mula sa bayan ng Bacacay, apat rin sa bayan ng Daraga at tigdadalawa ang lungsod ng Legazpi at Tabaco at ang bayan ng Tiwi.

Isang kaso ang naitala sa Catanduanes na mula sa bayan ng Virac habang zero new case ang Masbate. Mayroon namang isang nagpositibo na mula sa labas ng Bicol, galing ito sa Parañaque City.

Sa ngayon, umabot na sa 2,741 (30.00%) ang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.

Anim ang panibagong nasawi, dalawa ang mula sa Camarines Norte at isa sa Albay, Camarines Sur, Sorsogon at isang nakatala bilang others.

Sa kabuuan ay umabot na sa 323 (3.54%) ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa rehiyon dahil sa COVID 19.

Samantala, 65 ang panibagong gumaling ngayong araw kaya sumampa na sa 6072 (66.46%) ang total recoveries.

29 nito ay mula sa Masbate, 23 sa Sorsogon, 11 sa Albay at tig-isa ang Camarines Norte at Catanduanes.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *