Covid-19 cases sa Isabela, tumaas oa sa 4, 474; Cauayan City, nanguna sa may pinakamataas na active cases

Nadagdagan pa ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela matapos muling makapagtala ng 446 new cases.

Sa datos ng Isabela Provincial Information Office, umabot na sa 4, 474 ang total active cases sa probinsiya ngayong araw, September 20, 2021.

Nasa 271 naman ang bilang ng mga naidagdag sa talaan ng mga nakarekober habang 11 naman ang panibagong nasawi dahil sa COVID-19.

Nangunguna ngayon ang lunsod ng Cauayan na kasalukuyang nakasailalim sa hybrid GCQ bubble set up sa may pinakamataas na aktibong kaso na mayroong 514 cases.

Sinundan naman ito ng Angadanan na may 289 cases, Santiago City na may 253 na kaso, ang Reina Mercedes at San Guillermo na may tig-249 cases, ang bayan ng Quezon na nakapagtala ng 223 cases at 202 sa San Agustin.

Samantala, nananatili namang zero active case ang mga coastal towns ng Dinapigue, Divilacan at Palanan,Isabela.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *