Gasoline station sa Isabela, nilooban ng 7 kawatan; mga napagbentahan, tinangay

Nilooban ang isang gasolinahan ng pitong hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan sa Brgy. Dadap, Luna, Isabela dakong alas-10 ng gabi noong Linggo, September 19, 2021.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PCapt. Joesbert Asuncion, ang hepe ng PNP Luna, batay umano sa salaysay ng securirty guard na kinilalang si Joey Ortega 25-anyos at residente ng Brgy. MacaƱao, Luna, Isabela, bigla nalang umanong may dumating na tatlong kalalakihan at tinutukan siya ng baril.

Dinisarma rin ng mga suspek ang guard at kinuha ang inisyung baril na kalibre 38 pagkatapos ay ginapos siya maging ang kasamang gasoline boy na kinilalang si Joey Gelajo, 34-anyos at residente naman ng Brgy. Santor, luna Isabela.

Pagkatapos ay dumating din ang apat na iba pang kalalakihan sa lugar.

Pinilit umanong binuksan ng mga ang pintuan ng naturang tanggapan at ang vault kung saan naroon ang kanilang napagbentahan.

Sa pagkakataong iyon ay dumating naman ang mag-asawang sina Virgillo Tamayo at Myrene Tamayo lulan ang motorsiklo para sana kolektahin ang bayad sa mobile load ng gasoline boy.

Tinangay din ng mga salarin ang bag at motorsiklo ng mag-asawa.

Nagsagawa naman ng follow-up operation ang PNP Luna kung saan narekober ang naturang motorsiklo sa bahagi ng Brgy. Minante 2, Cauayan City,Isabela.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Luna sa naturang insidente.

Photo/PNP Luna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *