Covid-19 patients sa CVMC umakyat na sa 178

Punuan na umano ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) matapos maitala ang 178 na bilang ng COVID-19 patients na nakalagak sa naturang pagamutan.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Hepe ng CVMC, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga pasyente sa COVID ward.

Mula sa naturang bilang 140 sa mga ito aniya ang confirmed cases at 37 suspected cases.

Aniya, aahil sa dami ng mga nakalagak ngayon na pasyente sa kanilang pagamutan ay halos umapaw na rin ang hospital at sa katunayan ay may 18 patients ang naka-admit sa Nightingale Ward.

Pinakamarami sa mga pasyente ang galing sa Cagayan na may 122 na kaso, Isabela na may 16, Apayao na may dalawa at isa sa probinsya ng Kalinga.

Pinangangambahan naman ng Hepe ang posibleng paglala ng sitwasyon sakaling hindi makasunod sa mga ipinatutupad na health protocols ang publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *