500 seafareres ng MARINA V nabakunahan gamit ang Moderna COVID-19 vaccine

BICOL—500 na outbound seafarers ng Maritime Industry Authority Regional Office V (MARINA ROV) ang binakunahan gamit ang Moderna COVID-19 vaccine na sinimulan nitong Huwebes, August 5.

Bago ang pagtuturok ay isang maikling programa ang isinagawa sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) na dinaluhan ni MARINA ROV Director Engr. Bernardo Pollo kasama ang kanyang team, ang mga babakunahan, at mga BRTTH at DOH officials.

Kaugnay nito ay pinasalamatan ng opisyal ang Department of Health (DOH) sa pagbibigay prayoridad at paglalaan ng bakuna para sa mga seafarers. Pinasalamatan din nito ang vaccination team ng BRTTH.

Ayon kay Dr. Rita Mae Ang-Bon ng DOH Bicol, kinikilala nila ang kahalagahan na mabigyang proteksyon ang mga mamamayang lumuluwas ng bansa upang makatulong sa ekonomiya at isa sa mga ito ang matatapang na seafarers.

Pinasalamatan din ng DOH ang MARINA sa patuloy na suporta nito sa COVID-19 vaccination program ng ahensya.

Mababatid na ang mga outbound Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakatakdang lumuwas ng bansa sa susunod na apat na buwan ay ni re-categorized bilang A1 base sa Inter-Agency Task Force Resolution No. 117.

Sa ngayon ay tuloy –tuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga nasa priority groups A1, A2, at A3 sa Bicol region.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *