COVID-19 restrictions sa ilang lugar sa Indonesia, muling hihigpitan

Simula ngayong araw ay muling ipapatupad ang mahigpit na covid-19 restrictions sa ilang lugar sa Indonesia bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng covid-19 doon.

Kabilang sa mga ipagbabawal ay ang religious activities at ang pagpunta sa mga house of worship.

Magiging limitado din ang mga maaaring pumasok sa mga lugar paggawa at mga estabilisyimento.

Ayon kay Coordinating Minister for Economic Affairs Airlangga Hartarto, maituturing nang nasa “red zone” ang ilang areas sa bansa dahil sa pagtaas ng infections doon.

Noong Linggo ay nakapagtala ang nasabing southeast Asian country ng 13,737 new covid-19 infections kung saan, ito na ang pinakamataas na naitala sa loob ng isang araw simula pa noong January 30, 2021.

Samantala, umabot na sa mahigit 1.99 million ang lahat ng mga tinamaan ng covid-19 sa nasabing bansa kabilang ang mahigit 54,600 total fatalities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *