COVID-19 restrictions sa Norway, pinaluwag na

Ibinaba na ng pamahalaan ng Norway ang COVID-19 restrictions doon bunsod ng matagumpay na progreso ng bansa sa pagsugpo laban sa COVID-19.

Ayon kay Norway Prime Minister Erna Solberg, maaari nang magsagawa ng mga wedding at party sa bansa hanggang 100 ang kapasidad.

Sa pagbaba ng restriksyon, maaari na ring umabot sa 20 katao ang pwedeng dumalo sa isang house party kahit hindi pa nabakunahan kontra COVID-19.

Niluwagan na rin ang quarantine period ng mga manlalakbay mula Europe na pupunta sa Norway.

Sa kasalukuyan ay nasa 33 percent na ng kabuuang populasyon sa Norway ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna kontra covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *