COVID- 19 vaccination coverage sa Camarines Norte nasa 67. 6% na

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa  67. 6 percent ang vaccination coverage sa lalawigan ng Camarines Norte pero malayo pa sa target na 80 percent para maabot ang herd immunity.

Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang alas 6 ng umaga nitong Hunyo 2.

Sa senior citizen nasa 35, 280 pa lang ang nababakunahan sa target na 55, 004 o 64. 1 percent.

Sa age group naman na  18- 59, nasa 243, 726 ang nabakunahan sa target na 330, 178 o 73. 8 percent.

Pero pagdating sa age group na 12- 17 ay mataas na ang vaccination coverage.

Sa target na 78, 413 nasa 59, 522 na ang nababakunahan o 75. 9 percent.

Habang sa edad 5- 11 taong gulang  ay mababa pa ang vaccination coverage.

Umaabot pa lang sa 8, 439 ang nababakunahan  o 8.6 percent sa target na 97, 638.

Samantala, limang bayan naman sa lalawigan ang may mataas nang immunization coverage.

Ang naabot na ang herd immunity ay ang  pinakamaliit na bayan ng San Vicente na nasa 95. 6 percent coverage at ang capital town na Daet na nasa 82. 1 percent coverage.

Habang ang mga bayan na malapit na o halos naabot na ang herd immunity ay ang Basud na mayroon nang 79. 9 percent, Capalonga na may 78. 3 percent at Talisay na may 76. 7 percent.

Ang pinakamababa pa sa ngayon ay ang Paracale na may 55. 1 percent vaccination coverage at Vinzons na nasa 58. 9 percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *