COVID- 19 vaccination coverage sa Paracale hindi pa umabot ng 70 porsiento sa pagtatapos ng taon

CAMARINES NORTE- Bigong maabot ng bayan ng Paracale ang kahit 70 porsiento man lang ng kanilang target population na mabakunahan kontra COVID- 19 sa pagtatapos ng taon.

Batay sa datos hanggang nitong Disyembre 28, 2022 sa 44, 045 na target population nasa 29, 731 pa lang ang nabakakunahan o 65. 5 percent.

Sa senior citizen nasa 2, 894 lang ang nabakunahan o 61. 1 percent ng 4, 738 na target.

Sa edad 18- 59 ay nasa 20, 785 o 77. 5 percent ang nabakunahan sa target na  26, 811.

Mataas naman ang coverage sa pediatric population edad 12- 17 anyos kung saan nakapagbakuna  ng 5, 408 o 97. 2 percent ng 5, 566 na target.

Sa kabilang dako sa 5- 11 ay mababa pa rin ang nababakunahan na nasa  644 sa target na 6, 930 o 9. 3 percent.

Nasa anim na porsiento pa lang din ang nakatangap ng unang booster dose sa naturang bayan at wala pang isang porsiento ang nakatanggap naman ng ikalawang booster.

Ang Paracale ang may pinakamababang COVID- 19  vaccination coverage sa buong lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *