Babae sa Indonesia nagpanggap na patay para takasan ang pinagkaka-utangan

ISANG babae sa Indonesia na si ginang Liza Dewi Pramita ang nagkunwaring patay sa isang facebook post para lamang matakasan ang kanyang utang na nagkakahalagang 4.2 million Indonesian Rupees.

Ayon sa ulat maka-ilang beses nang humingi ng palugit si Liza sa kanyang pinagkaka-utangan na si Maya Gunawan.

Ngunit nagulat na lamang si Maya nang mapag-alaman nya sa isang fb post ng anak ni Pramita na isa na itong malamig na bangkay.

Base sa post, si Pramita diumano ay namatay dahil sa isang vehicular accident sa Medan, Indonesia.

Makikita sa nasabing fb post ang litrato ng bangkay ni Pramita na meron pang bulak sa butas ng ilong nito, kalakip ang isa pang litrato ng mga medical staff na nagtutulak ng stretcher na may katawan na nakatalukbong ng puting kumot.

Ngunit naghinala si Gunawan nang mabalitaan nito na sa malayong lugar ililibing si Pramita kaya nagsagawa sya ng self-investigatory kung saan siya ay nag image search at dun natuklasan na ang litrato ng mga medical staff na ginamit sa nasabing fb post ay galing lamang  sa internet.

Tumungo rin si Gunawan sa kapulisan ng Medan kung may naiulat nga bang vehicular accident roon at doon nya nakumpirma na ang lahat ay kasinungalingan lamang ni Liza Pramita at parte lamang ng kanyang palabas upang makatakas sa kanyang utang.

Sa ngayon, si Pramita ay kasalukuyan paring nagtatago at hindi parin nagbabayad sa kanyang pinagkaka-utangan ###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *