COVID-19 vaccination sa lungsod ng Legazpi, umarangkada nang muli ngayong araw

BICOL—Umarangkada nang muli ngayong araw ng Martes, July 20 ang COVID-19 vaccination rollout sa lungsod ng Legazpi.

Sa abiso ni alkalde Noel Rosal, pinapayuhan ang mga nakapagrehistro sa QR code na mayroon nang confirmation na magtungo sa Ayala Mall para sa pagbabakuna ng Astrazeneca.

Bukas, araw ng Miyerkules, July 21 ay naka schedule naman ang mga may QR Code registration with confirmation para sa Sputnik V vaccination. Gaganapin ito sa Ayala at SM malls.

Maliban sa mga may QR Code, tatanggap din sila ng walk in senior citizen na gustong magpabakuna para sa Sputnik V sa araw ng Miyerkules.

Ngayong linggo ay ipagpapatuloy din ang pagbabakuna ng second dose sa nasa 1,342 na naturukan ng first dose ng Sinovac.

Abiso ni Rosal sa mga ito, kung saang vaccination center sila nagpabakuna sa first dose ay doon din sila muli dapat magtungo para sa second dose.

Inaasahan namang magtutuloy-tuloy ang pagbabakuna ngayon buwan dahil mayroon pa umanong mga bakunang nakatakdang dumating kung kaya walang dapat ipangamba ang ibang mga nakapila pa sa priority list.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *