Mas mahigpit na restriksyon, posibleng ibalik dahil sa Delta variant ayon kay Pangulong Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng kailanganin ng Pilipinas na ibalik ang mas mahigpit na restriksyon matapos kumpirmahin ng Department of Health ang ilang local cases ng Delta variant ng COVID-19.

Sinabi ng Punong Ehekutibo sa kaniyang lingguhang Talk to the People, kailangan maibalik ang mga istriktong restriksyon katulad na lamang ang pagbabawal sa mass gatherings at super spreader events.

Ipinunto ng Pangulo na meron nang ilang bansa sa Asya tulad ng Indonesia ang nasa ilalim na ng mas mahigpit na restriksyon dahil sa Delta variant.

Dagdag ng Pangulo, nakakaalarma na ang mga napaulat na local cases sa bansa.

Sa ngayon ay meron nang 35 kaso ng Delta variant ang nairehistro sa buong bansa, kabilang na ang 11 local cases.

Samantala, muli naman nakiusap ang Pangulo sa publiko na magpabakuna dahil kung hindi ay pwede anya ito magresulta sa kamatayan.

Para naman sa mga hindi naniniwala sa bakuna, ay sinabihan ito ng Pangulo na manatili na lamang sa loob ng bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *