COVID-19 vaccine mananatiling durable sa loob ng anim na buwan – Moderna

Inihayag ng Moderna na nanatiling malakas ang proteksyon na kayang ibigay ng bakuna nito kontra COVID-19 sa loob ng humigit-kumulang anim na buwan base sa kanilang iginawang pag-aaral.

Inanunsyo rin ng Moderna na ang tinetesting nito na variant-specific boosters shot ay nagpakita ng robust antibody response sa Delta.

Hindi ito nalalayo sa 94 percent efficacy na naiulat nito mula sa orihinal na clinical trial.

Ayon kay CEO Stephane Bancel, nagpakita ng 93 percent durable efficacy ang bakuna sa loob ng anim na buwan, ngunit kinikilala nila na isang bagong banta ang Delta variant, at kailangan pa rin manatiling vigilant ng mga tao.

Samantala, nagsagawa na rin ang naturang kompanya ng clinical trials sa tatlong magkaibang COVID-19 boosters, kung saan ay nakita na kaya nang lahat ng ito na mag-produce ng mataas na antas ng antibody laban sa orihinal na coronavirus strain at vairants of concern, kabilang na ang Delta, na unang natukoy sa India. Mababatid na bukod sa Moderna ay isinusulong rin ng Pfizer at BioNTech ang third shot para mapanatili ang mataas na lebel ng proteksyon laban sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *