Carlo Paalam, nagtiwala sa proseso sa gitna ng kaniyang mabibigat na laban sa Olympics

Naniniwala si Carlo Paalam na nagtagumpay siya laban sa mga malalakas nitong katunggali sa men’s flyweight division ng boxing event ng Tokyo Olympics ay dahil sa kaniyang pagtitiwala sa proseso.

Ayon kay Paalam, pinayuhan siya ng kaniyang coaches na huwag madaliin ang kaniyang mga laban at gawin ito ng one step at a time.

Kabilang lamang sa mga nakalaban sa Tokyo Games ng 23-anyos na tubong Bukidnon, ay ang mga boksingero na higit na mas ekspiryensado sa kaniya kagaya ni 2015 European Games silver medalist Brendan Irvine sa Round of 32.

Sa quarter finals naman ay nakatapat ni Paalam ang Uzbekistan bet at 2016 Rio gold medalist na si Shakhobidin Zoirov.

Itinigil ang nasabing laban sa 1:16 mark ng second round kung saan ay itinanghal na panalo si Paalam via split decision.

Kamakailan naman ay dinomina ni Paalam ang hometown bet na si Ryomei Tanaka sa pamamagitan ng unanimous decision.

Dahil sa panalo ay garantisado na ang silver medal para sa kaniya, at pwede pa ito maging gold medal kung papalarin siya sa finals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *