COVID and isolation wards ng Bicol Medical Center, punuan na; pagtanggap ng pasyente lilimatahan

BICOL—Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at dumaraming bilang ng mga dinadala sa ospital, umaaray na ang Bicol Medical Center (BMC) dahil punuan na ang kanilang COVID and Isolation wards.

Dahil dito, naglabas ng abiso ang ospital na lilimitahan na lamang nila ang pagtanggap ng mga COVID-19 patients sa mga nasa severe o critical conditions.

Ayon sa pamunuan nito, maliban sa nasa full capacity na ang mga nasabing wards ay understaffed o kulang din sa tao ang mga ito para ihandle ang patuloy na pagdagsa ng mga COVID patients.

Gamit na rin umano ang mga high-flow oxygen machines nito at pati na ang mga mechanical ventilators kung kaya wala nang available na maaaring magamit para sa mga bagong pasyente.

Kaugnay nito, umapela rin ang BMC sa mga LGU sa Bicol na isaayos ang kanilang mga quarantine facilities upang doon na lamang ilalagay ang mga mayroong mild symptoms at asymptomatic. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *