COVID infection level sa mga studs na nag-face-to-face classes, mas mababa pa sa 1%- CHED


Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) na mas mababa pa sa 1 percent ang covid-19 infection level sa mga estudyante na sumubok ng limited face-to-face classes sa buong bansa.

Sa ulat ni CHED Chairman Prospero De. Vera III kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na walang na-ospital at walang namatay na estudyante o faculty na nagsagawa ng limited in-persons class.

Kaugnay nito, sinabi din ni De Vera na humigit-kumulang sa 10,000 mga estudyante ang nabakunahan na laban sa COVID-19 simula pa noong April 15, 2021.

Sa kasalukuyan, mayroon aniyang 13,188 na mga estudyante at 1,048 na faculty members ang authorized na magsagawa ng limited face-to-face classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *