Duterte, nagbabala na puputulin ang transaksyon sa Red Cross, kung…

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na mapipilitan siyang putulin ang anumang pakikipag-transaksyon sa Philippine Red Cross (PRC) kapag tumanggi si PRC Chairman Senator Richard Gordon na ma-audit ang kanilang pondo.

Ayon ka Duterte, kapag nangyari ito, ituturing niya na hindi nage-exist ang PRC.

Wala aniya siyang pakialam kung lumikha si Gordon ng kontrobersiya hinggil dito.

Ang pahayag na ito ng punong ehekutibo ay sa harap ng patuloy na pag-giit aniya ng Senador na hindi pwedeng silipin ng Commission on Audit (COA) ang kanilang financial standing dahil hindi naman ito saklaw ng gobyerno.

Gayunpaman, muling iginiit ni Duterte na nakakatanggap ng pondo ang PRC mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ng Pangulo na sa mga susunod na araw ay susulat na siya kay COA Chairman Michael Aguinaldo upang mabuksan ang records ng PRC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *