CR at bathroom na ipinatayo ng SorPol, ibinahagi na sa Brgy Cambulaga

Naiturn-over na ng Sorsogon Police sa Brgy Cambulaga ang dalawang pampublikong CR o palikuran at isang banyo o paliguan matapos ang isinagawang blessings dito noong Martes, Oktubre 4.

Sa text message sa Brigada News ng hepe ng Sorsogon City Police Station na si PMaj Jeric Don Sadia, sinabi nito na ang proyekto ay nagkakahalaga ng P30K na kinabibilangan ng Male at Female CR at isang bathroom na mapapakinabangan ng mga residente ng Purok 1, lalo na ng mga fisherfolks at nagdedeliver ng isda dahil ang proyekto ay itinayo sa Fish Landing ng nasabing barangay.

Ayon pa sa opisyal, ang proyekto ay kanilang pinasimulan sa ilalim ng Retooled Community Support Program (RCSP) bilang suporta sa flagship program ng C, PNP na MKKK o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.

Naisakatuparan din ang proyekto sa tulong ng ilang stakeholder at ng buong puwersa ng RCSP-CWAO (Counter White Area Operations) ng Sorsogon City Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *