Sa mismong araw ng ‘World Teacher’s Day, guro, patay sa tangkang rape ng kapitbahay; suspek, arestado

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang guro sa mismong araw ng ‘World Teacher’s Day’ matapos itong hatawin ng dulo ng hawakan ng palakol sa ulo nang manlaban sa tangkang paggagahasa ng kanyang kapitbahay sa Sitio Bodega, Brgy Pasig sa bayan ng Claveria, Masbate.

Kinilala ang biktima na si Jessabel Belches Mangubat, 24-anyos, naninirahan sa Brgy Manapao ng nasabing bayan habang ang suspek ay kinilalang si Alvin Errero Yanzon, 30-anyos, binata, construction worker at residente ng nabanggit na lugar.

Sa pahayag sa Brigada News ng imbestigador na si PSMS Rudy Hombre, sinabi nito hindi pa nila puwedeng sabihin na hinalay nga ang biktima dahil hindi na ito naeksamin ng doktor sa dahilang nasa state of ‘rigor mortis’ na ang katawan nito. Nag-request na lang umano sila ng awtopsiya sa crime laboratory sa PRO5 para malaman kung pinagsamantalahan nga ang biktima ng suspek.

Dagdag pa ng imbestigador na maraming sugat sa katawan ang biktima, tanda na nanlaban ito at ang fatal wound nito ay sa ulo na kanilang pinaniwalaan na hinataw ng dulo ng palakol.

Natagpuan sa crime scene ang duguang puting t-shirt, at ang 14 inches na palakol na may bahid ng dugo.

Itinuro naman ng mga testigo ang suspek na si Yanson na kapitbahay lang ng biktima sa compound kung kaya’t agad na naaresto nila ito at hindi sumurender taliwas sa kumakalat na balita sa social media.

Inihahanda na ng Pulisya ang kaukulang asunto na isasampa sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *