DA may “hidden agenda” raw sa planong pag-angkat ng baboy, ayon sa AGAP Partylist

Nagdududa si Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) Party-list Rep. Nick Briones na baka may hidden agenda ang Department of Agriculture (DA) hinggil sa importasyon ng karne ng baboy.

Ayon kay Briones, batid naman ng ahensya sa kanilang imbentaryo sa mga cold storage ay may 110M kilos meat; at 100M daw doon ay imported.

Aniya, buwan-buwan may dumarating na 60M kilos dahil napakababa ng taripa ngayon.

Punto ni Briones, napakasaya ng mga importers ngayon dahil ang taripa ng karneng baboy mula 40% ginawang 25%.

Bukod dito, ang 30% under minimum access volume ng pork meat ay naging 15% na lamang.

Giit ng mambabatas, dapat bawasan ng pamahalaan na mag-angkat ng karne ng baboy dahil luging-lugi na ang mga local meat producers sa bansa.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture (DA) na dahil sa 10 day deficit at sa African Swine Fever (ASF) na na-detect sa Oriental Mindoro kaya raw bumaba ang suplay ng karne ng baboy sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *