Dagdag investment para sa PUVM program, ipinangako ng Japanese company

Nagdagdag ang Japanese company na Toyota Motor Corporation ng 1.1 billion pesos na investment pledge bilang suporta sa PUV modernization program ng pamahalaan.

Kabilang ito sa mga naselyuhang investment pledges sa huling official trip ni Pangulong Bongbong Marcos sa bansang Japan.

Inanunsyo ni Toyota Executive Vice President Yoichi Miyazaki kay Pangulong Marcos na natapos na nila ang unang bahagi ng kanilang pamumuhunan na nagkakahalaga ng PHP 1.3 bilyon mula sa naunang commitment na PHP 4.4 bilyon.

Ang pondo ay nakatutok sa pagbuo ng bagong henerasyon ng Toyota Tamaraw na inaasahang ilulunsad sa taong 2024.

Dahil dito, umabot na sa kabuuang PHP 5.5 bilyon ang commitment ng Toyota Motor Corporation para sa kanilang investment sa bansa.

Una nang sinabi ni Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go, nasa PHP 169 bilyon na ang kabuuang actualized investment ng Pilipinas mula sa mga investor sa bansang Japan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *