Task force na tututok sa evaluation ng bakuna kontra avian flu, binuo ng FDA

Naglunsad ng taskforce Alectryon ang Food and Drug Administration o FDA na syang tututok sa evaluation ng avian flu vaccine o bakuna kontra avian flu virus.

Sinabi ng FDA na mahalaga ang pagkakaroon ng proactive approach para sa epektibong pamamahala ng pagkalat ng virus, sa gitna pa rin ito ng patuloy na hamon na dulot ng Highly Pathogenic Avian Influenza o HPAI sa bansa.

Ang Task Force Alectryon ay nakatuon sa streamlined evaluation ng mga aplikasyon para sa Avian Influenza drugs and vaccine, na ligtas, mabisa at makakatulong para sa prevention at pagsugpo sa pagkalat ng virus sa avian population.

Sa ngayon wala pang natatanggap na aplikasyon ang ahensya para sa certificate of product registration.

Kaya hinihikayat nila ang mga veterinary pharmaceutical industry na mag sumite ng aplikasyon, bilang suporta sa pagsisikap ng pamahalaan na konrrol ang Avian Flu infection.

Matatandaang taong 2017, kinumpirma ng Pilipinas aang unang epidemic ng ng HPAI sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *