Dagdag na electric fan sa mga billeting areas, ilalagay para sa Palarong Bicol 2024

LEGAZPI CITY – Inatasan ang mga school principals sa mga billeting areas para sa Palarong Bicol 2024 na magdagdag ng mga electric fans upang maiwasan ang init sa loob ng silid aralan o kwarto ng mga kalahok.

Ayon kay Dexter Sison, Head Sports Coordinator ng School Division Office ng Legazpi, napag-usapan sa kanilang pagtitipon na kailangan maglagay ng hindi bababa sa apat na electric fans sa bawat clasroom.

Sakali man umanong kulangin sa electric fans ang bawat billeting area ay hihiram sila sa barangay o kapit-bahay upang matugunan ang pangangailangan ng mga atleta.

Samantala, tiniyak ni Sison na hindi magsisiksikan ang mga delegasyon sa mga pasilidad sa Palarong Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *