Dahilan ng deklarasyon ng state of calamity sa Bataan, ipinaliwanag ng Provincial Government

Provincial Government

Nilinaw ng Provincial Government ng Bataan kung bakit kinailalangang isailalim sa state of calamity ang probinsya.

Ito ay kahit pa wala namang commercial piggery farm ang tinamaan ng African Swine Fever sa lalawigan.

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr.Albert Venturina, ang deklarasyon ng state of calamity ay para makapaglabas ng pondo ang local government na ipambabayad sa mga apektado ng depopulation ng mga baboy.

Bukod pa rito, kontrolado din ng lokal na pamahalaan ang presyo ng buhay at karneng baboy sa merkado at mapapagana ng mabilis ang mga tauhan at logistics para resolbahin ang problema.

Matatandaan, positibo sa ASF ang mga backyard piggery sa limang bayan kabilang ang Orion, Morong, Hermosa, Samal at Pilar.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *