Dalawa katao na kinabibilangan ng isang estudyante huli sa akto sa kalagitnaan ng pot session

CAMARINES NORTE- Bagsak sa kulungan ang dalawang kalalakihan makaaraang mahuli sa akto habang nasa kalagitnaan ng pot session sa Purok 3, Barangay Bactas, Basud, Camarines Norte pasado alas 11 ng umaga noong Sabado.

Kinilala ang mga suspek na sila alyas “Caloy” 22, binata, estudyante at ang isang alyas “Enteng” 18, binata, laborer na kapwa sa residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa PNP nadakip ang dalawa dahil sa impormasyong ipinaabot ng isang concern citizen hinggil sa di umano’y nagaganap na pot session sa lugar.

Huli umano sa akto ang mga ito habang humihithit ng hinihinalang dahon ng marijuana.

Nakuha sa kanilang pag- iingat ang isang pirasong glass tube pipe (totter) na naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana, isang papel na naglalaman din ng hinihinalang dahon ng marijuana na tumitimbang na humigit kumulang 0. 10 gramo na nagkakahalaga ng P300.00, tatlong piraso ng lighter at isang coconut stick na ginagamit na pantulak sa totter.

Ikinalungkot naman ng pamunuan ng PNP sa Camarines Norte na sa kabila umano ng puspusang operasyon, pakiusap at pagpapaabot ng mga impormasyon upang tuluyan ng masugpo ang illegal na droga ay mayroon pa ding mga hindi humihinto sa ganitong gawain.

Sa isang pahayag, umapela si Provincial Director PCol Julius Guadamor lalo na s amga magulang na mas bigyan ng atensyon at oras ang kanilang mga anak.

Ayon pa sa opisyal, kawawa ang mga kabataang nagugumon sa bisyo na may naghihintay pa sanang magandang kinabukasan para sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *