Dalawang bahay tinangay ng baha sa Koronadal; Tulay na komokonekta sa dalawang bayan sa South Cotabato at Sultan Kudarat, nasira

KORONADAL CITY — DAHIL sa malakas na pagbuhos ng ulan, dalawang bahay sa Koronadal at isang tulay na komukonekta sa dalawang bayan ng South Cotabato at Sultan Kudarat ang nisira ng baha.

Sa Koronadal, dalawang bahay na malapit sa ilog ang tinangay ng tubig-baha sa Purok Mabuhay, Barangay Topland, Koronadal City.

Ayon sa isa sa may-aring si Celsa Balogo Salamanca, natutulog umano sila kagabi habang malakas ang ulan at ikinagulat na lamang nila na inanod na ng tubig-baha ang kanilang kusina.

Maliban sa kanilang bahay may mga alagang hayop din umano silang tinangay ng malakas na tubig.
Napag-alaman na sa buong South Cotabato, siyam na mga bayan ang apektado ng pagbaha.

Sa Sultan Kudarat naman, isang tulay sa bayan ng Lutayan ang nasira at hindi na madaanan ng mga sasakyan dahil sa rumaragasang tubig-baha.

Ang nasabing tulay ay kumukonekta sa ilang mga barangay ng Tantangan sa South Cotabato at bayan ng Lutayan sa Sultan Kudarat.(BNFM KORONADAL)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *