6 yr old, 14-anyos – nalunod-patay sa magkahiwalay na insidente sa Batangas

Isang anim na taong gulang na batang lalaki at katorse anyos na binatilyo ang kapwa binawain ng buhay matapos na malunod sa magkahiwalay na insidente sa mga bayan ng Lemery at Lian sakop ng Batangas.

Sa bayan ng Lemery sa bahagi ng Brgy Nonong Casto, ang anim na taong gulang na batang lalaki na hindi pa napangalanan ay aksidenteng nadulas sa hagdan at diretsong nahulog sa swimming pool na naging dahilan ng kanyang pagkalunod.

Makalipas ang ilang sandali ay nagtulong-tulong ang mga taong nakakita na iahon ang biktima mula sa pool at binigyan ng first aid ng resort ngunit hindi na ito nagkaroon pa ng malay.

Sa bayan naman ng Lian, ang katorse anyos na binatilyo ay nagmula pa sa Quezon City kasama ang dalawang pinsan nito sa isang resort sa Brgy Lumaniag, masayang naglalangoy ang magpipinsan nang hindi mapansin na nasa malalim na pala silang bahagi ng dagat.

Dito napansin din na nalulunod na ang biktima kayat agad na humingi ng saklolo ang mga pinsan nito at hinila siya mula sa dagat.

Dinala pa ang biktima sa ospital sa bayan ng Nasugbu ngunit idineklarang dead on arrival.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *