Dalawang kawatan, arestado matapos ibenta ang ninakaw na motorsiklo sa mismong may-ari nito

HINDI naging mahirap ang pag-hahanap at pag-aresto ng mga otoridad sa dalawang kawatan na nagnakaw ng isang Honda XRM 125 motorcycle sa bayan ng Pikit, Cotabato.

Batay sa ulat ng PNP, kinilala ang mga suspek na sina Mosram Adam at Sul Kipos na umano’y nagnakaw ng naka parked na motorsiklo sa Barangay Rosary Heights 3 ng nasabing bayan.

Matapos ang ilang araw, ipinost ng mga ito sa Facebook market place bilang ‘For Sale’ ang motorsiklo na sakto namang nakita ng mismong may-ari nito na si Alliudin Aliman.

Dito na isinagawa ng PNP ang entrapment operation kung saan nagpanggap ang tunay na may-ari nito na kanyang bibilhin ang motorsiklo kung kaya’t siya ay makikipag meet up.

Wala namang kamalay-malay ang mga suspek na ang kanilang buyer ay ang mismong may-ari ng kanilang ninakaw na motorsiklo.

Positibong nadakip ng PNP ang dalawang suspek at kasalukuyan nang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *