Tinangay ng hindi pa nakikilalang salarin ang dalawang mamahaling cellphone na pagmamay ari ng isang tindero ng ukay-ukay sa Barangay 2 Roxas, Palawan.
Ayon kay Asgari Darembing, bandang alas-kwatro ng umaga kanina nang mawala ang kanyang cellphone na Oppoh F9 na nagkakahalaga ng ₱19,000 at isang Infinix na ₱6,000.
Aniya, nakagising nalang umano sila na wala na ang dalawang cellphone sa kanilang tabi.
Nakatakip umano ang isang bag sa dalawang gadget ngunit agad mapapansin dahil naka-charge ang mga ito.
Nakikipag-ugnayan na si Asgari sa pulisya upang maimbestigahan ang insidente.
Samantala, nanawagan ang biktima sa maaring mapagbentahan ng mga nawawalang cellphone ay agad na makipag-ugnayan sa mga awtoridad.