Hontiveros, hinimok ang govt na agad tuldukan ang ‘massive’ scamming ops sa PH

Hinihimok ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang gobyerno na agad ipatigil ang malawakang scamming operations sa bansa, matapos na masagip ang nasa 1,000 indibidwal mula sa iba’t-ibang lahi, sa Clark, Pampanga.

Giit ni Hontiveros, malalim at malawak na umano ang operasyon ng scamming network sa bansa na gaya ng korapsyon.

Sa gitna nito, binanggit din ng senadora ang tila mabagal na reporma sa Bureau of Immigration, simula nang maimbestigahan ng Senado ang “pastillas scam” na nagpapahintulot ng ilegal na pagpasok ng mga foreign nationals sa bansa, kapalit ang pera na nakarolyo sa papel.

Dahil dito, iminungkahi ni Hontiveros na dalhin ng Bureau of Immigration ang buong bigat ng patong patong na panloloko, human trafficking, at labor abuses sa iba’t ibang nasyonalidad. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *