2 testigo sa De Lima case, nag-recant sa kanilang testimonya

Nagpahayag ang dalawang witness sa kaso ng nakakulong na dating senador na si Leila de Lima, at nagnanais na bawiin ang kanilang mga alegasyon laban rito.

Ayon sa abogado ni De Lima na si Dino De Leon, nagabot ng kasulatan si Rodolfo Magleo at Nonilo Arile na nagpapaalam kay De Lima na binawi nila ang kanilang mga testimonya.

Nakasaad sa liham na pangunahing layunin ng kanilang pag-recant ay ang mapalaya ang dating senador, kasama ang kapwa nitong akusado sa huli nitong kaso.

Pareho rin daw nila itong binalak noong 2018, ngunit hindi ito natuloy dahil sa “impossibility of communication.”

Sa huli, sinabi ng dalawa na ang limang karagdagang saksi, na kanilang kinumbinsi, ay susunod pagkatapos ng kanilang recantation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *