Dating Pangulong Fidel Ramos, pumanaw na sa edad na 94

𝐏𝐔𝐌𝐀𝐍𝐀𝐖 na sa edad na 94-anyos si dating pangulong Fidel Valdez Ramos ayon mismo sa anunsiyo ng kanyang pamilya ngayong araw ng Linggo.

Si FVR ang Ika-12 pangulo ng Republika ng Pilipinas at umupo sa pwesto mula 1992 hanggang 1998.

Naging mahaba ang karera sa politika ni Ramos kung saan nagsilbi rin ito bilang hepe ng Philippine Constabulary mula 1972 hanggang 1986 sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Itinuring din bilang “key figure” si FVR ng 1986 People’s Power Revolution bago umupong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines sa ilalim naman ng pamumuno ni dating Pangulong Cory Aquino.

Nanilbihan din siya bilang Defense Secretary mula 1988 hangang 1991 bago naihalal na pangulo ng bansa noong 1992.

Hindi naman nailahad ng pamilya kung ano ang sanhi ng kamatayan ng dating pangulo ngunit humingi ang mga ito ng privacy mula sa publiko para sakanilang pagluluksa.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *