DBM dinoble ang budget para sa tulong sa mga magsasaka at mangingisda

Dinoble ng Department of Budget and Management (DBM) ang alokasyon para sa tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa ilalim ng panukalang P5.268-trillion national budget sa 2023.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, mula sa P500 million ngayong taon, ay nasa P1-billion na ito para sa Fiscal Year 2023 budget.

Paliwanag ni Pangandaman, na ang pagbibigay ng magandang suporta sa mga producers ay mahalaga sa pagkamit ng food security, na isa sa near-term goals ng administrasyon.

Sa P1-billion allocation, P510.45 million ay mapupunta sa mga magsasaka ng mais at P489.6 million ay magiging bahagi ng budget sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, para sa mga mangingisda.

Dagdag ng kalihim na ang naturang alokasyon ay para sa pagbibigay ng fuel discounts sa mga kwalipikadong magsasaka at mangingisda na nagmamay-ari at nag-ooperate ng agricultural at fishery machinery individually o sa pamamagitan ng farmer organization, cooperative, o association.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *