Pamunuan ng Brgy. Kalaklan nananawagan sa sinumang nagmamay-ari ng bumaluktot na poste sa may parola

Nananawagan ngayon ang pamunuan ng Brgy. Kalaklan, Olongapo sa sinumang kompanyang nagmamay-ari ng poste na bumaluktot sa may parola area.

Ito ay dahil napakadelikado umano nito para sa mga dumadaan araw-araw sa lugar.

Ayon kay Kap. Willie Umali, nakatutok sa kalye ang pagkabaluktot ng poste kaya delikado aniyang may matamaan.

Panawagan ng Punong Barangay sa kung sinumang nagmamay-ari nito ay bigyang pansin at ayusin na kaagad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *