Defense Cooperation treaty, inaasahang maisasapinal sa pagitan ng PH at Bahrain

Tiwala ang Department of National Defense na lalakas pa ang ugnayan ng Pilipinas at Bahrain sa larangan ng Defense Cooperation.

Sa courtesy call sa DND ng delegasyon ng Bahrain Royal Guard Special Forces , napag-usapan sa pagitan nina DND Assistant Secretary Gavin Edjawan at Lieutenant Colonel Fahad Jabor Akaif Hameed Alsowaidi ang pagsasapinal ng proposed Philippines-Bahrain Memorandum of Understanding.

Sa ilalim ng iminungkahing MOU, mas mapapalawig ang kooperasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng high-level visits at education and training exchanges.

Samantala, inimbitahan din ng Bahrain special forces ang Pilipinas na magpadala ng observers nito sa gagawing joint military exercises sa pagitan ng Brunei Darussalam, Malaysia at United Kingdom.

Natalakay din ang seguridad ng malaking komunidad ng mga Overseas Filipino Workers sa Bahrain at sinabing kinikilala ng gobyerno nito ang kanilang kontribusyon sa kanilang nation-building.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *