Minadali ang pagkakaapruba sa RBH7 – Kongresista

Binigyang-diin ni Kabataan party-List representative Raoul Manuel na napakabilis ng pagkaapruba sa Resolution of Both Houses No. 7.

Sa panayam ng 105.1 Brigada News FM Manila kay Manuel, sinabi nitong minadali ang pagkakapruba ng Committee of the Whole ng Kamara ang committee report ng economic charter change – dahilan para hindi nila ito suportahan.

Iginiit pa ng Kongresista, ang naturang hakbang ay wala sa Konstitusyon dahil ang dapat gawin ay tunay people’s initiative, constitutional convention, at pag-uusap ng Senado at Kamara.

Sa huli, sinabi ni Manuel na hindi nila masusuportahan ang hakbang na nagawa ng ilang mambabatas dahil tila minadali at inimbento ang ginamit na mga proseso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *