Deklarasyon ng pagiging drug cleared at drug free ng isang lugar, maaari umanong bawiin-Padac

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Provincial Anti Drugs Abuse Council (PADAC) na anumang oras, maaaring bawiin at alisin ang pagiging drug cleared o drug free ng isang lugar kung bumalik rito ang presensya ng droga.

Ayon kay Joan Evasco, ang focal person ng Provincial Anti Drugs Abuse Council (PADAC), kinakailangan na mapanatili ng mga barangay ang kanilang mga programa pagdating sa kampanya kontra ilegal na Droga sa mga Persons with Used Drugs (PWUDS) dahil may ginagawa silang regular na re-validation.

Aniya, may kahigpitan rin ang mga ginagawang validatiion ng ahensya sa mga barangay na nag-apply na maging drug cleared at drug free.

Kabilang kasi sa criteria para mapanatili ang nasabing status, dapat mapanatili nito ang programang may kinalaman sa ilegal na droga at patuloy na monitoring sa mga PWUDs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *